Mark 14:22-26

Huling Hapunan ni Jesus

(Mat. 26:26-30; Luc. 22:15-20; 1 Cor. 11:23-25)

22Habang kumakain sila, kumuha ng tinapay si Jesus. Nagpasalamat siya sa Dios at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga tagasunod niya at sinabi, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.” 23Pagkatapos, kumuha siya ng inumin,
inumin: sa literal, kopa.
nagpasalamat sa Dios, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat.
24Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao. 25Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Dios. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong klase ng inumin.” 26Umawit sila ng papuri sa Dios at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.

Copyright information for TglASD